Saturday, April 11, 2015

‘Summer Happiness’, simula na sa newest station ID ng TV5


INILABAS na ng Happy Network, TV5, ang kanilang pinakahihintay na bagong Summer Station ID ngayong Linggo, April 12.

Pinamagatang “Happy Ka Dito This Summer,” patungkol ang Station ID sa prinsipyo at misyon ng TV5 bilang isang television network – ang sama-samang ipalaganap ang saya at ligaya sa mga manonood at mag-hatid ng kakaibang viewing experience sa pamamagitan ng mga programang sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino. 



Ang nasabing Station ID ay bunga rin ng “Happy Ka Dito” campaign ng TV5 na inilunsad noong nakaraang taon kung saan binago ng Network ang kanilang programming at tinutukan ang pag-gawa ng mga light entertainment programs, world-class at maaksyong sports programs na nagbubuklod sa atin bilang isang lahi, at news and information programs na hindi lamang nagbabalita, kundi talaga namang umaaksyon.



Tampok sa “Happy Ka Dito This Summer” Station ID ang mga Kapatid stars at prominenteng TV5 personalities na nagsama-sama upang lalong pagtibayin ang misyon ng Network na maghatid saya at ligaya sa mga Pilipino. Ginamit ang kantang “Sama-Sama Sa Ligaya” na inawit nila Gab Alipe ng bandang Urbandub at ng multi-awarded Fil-Am hip-hop duo na Q-York. Ang nasabing kanta ang naging tema ng nagdaang Happy Sa 2015: Philippine New Year Countdown na pumukaw sa atensyon at pinag-usapan ng mga iba’t-ibang international media organizations sa mundo.



Libo-libong red balls ang literal na nag-hatid saya at animo’y nagsulputan para mag-dala ng isang malaking summer party. Kinunan ang Station ID sa mga sikat at makasaysayang pasyalan na madalas pinupuntahan ng mga Pinoy tuwing summer – mula sa Luneta at Quezon Memorial Circle hanggang sa mga dalampasigan ng Subic.



All-out din ang TV5 sa iba’t-ibang mga gimik upang siguradong dama ng bawat Pilipino ang saya at ligaya sa kanilang bagong Station ID. Katunayan, simula pa lamang ito ng isang mahabang summer campaign ng Network. Simula rin ngayong araw, mapapakinggan ang “Sama-Sama Sa Ligaya” sa Radyo5 at sa iba’t-ibang radio stations sa bansa. May mga naglalakihang pulang lobo ring ikinalat sa mga lungsod para dalhin ang saya sa siyudad.




Ang “Happy Ka Dito This Summer” campaign ay pinangunahan ng Media5, sales and marketing arm ng TV5, kasama ang TV5 Creative Services Department, TV5 Entertainment Group, TV5 Talent Center, Sports5, News5 at ang Alagang Kapatid Foundation. 

Ang “Happy Ka Dito This Summer” Station ID ay produced and directed by UNITEL. Ang Network Anthem na “Sama-Sama Sa Ligaya” ay isinulat ng OPM icon na si Jungee Marcelo (Composer at Musical Director).

Ang 3-minute Station ID ay mapapanood sa TV5 simula April 12 at mapapanood din online sa tv5.com.ph at sa facebook.com/tv5manila.

No comments:

Post a Comment