Tuesday, November 22, 2016

SPEEd, celebrates first anniversary at the orphanage




PARA maging makabuluhan ang pagdiriwang nang unang anibersaryo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) dinalaw ng grupo ang Bahay at Yaman ni San Martin de Porres sa Bustos, Bulacan noong ika-lima ng Nobyembre.



Ang naturang bahay ampunan ay kumakalinga nang higit sa isang daan at limampung inabandunang kabataan.
Pinangunahan ni SPEEd President Isah Red, (editor ng The Standard), ang pagdadala ng kaligayahan sa mga kabataang residente na ang edad ay mula pito hanggang labing-walo.
Dala-dala ng grupo ang mga donasyon tulad ng mga damit, tsinelas, libro, laruan, toiletries, gamot, pagkain at maiinom.
Sina SPEEd secretary Ian Farinas (ng People’s Tonight), at assistant secretary Gie Trillana (ng Malaya Business Insight) ang nag-coordinate sa surrogate mother at volunteer co-worker na si Myrna del Rosario para matuloy ang event.

Sa tulong ng program coordinator na si Noel Vincent Ordiales, sina SPEEd members Dondon Sermino ng Abante at Rohn Romulo ng People’s Balita ang nag-host ng mga palaro.
Ang mga papremyo ay mula sa donasyon ng GMA Network Communications sa pamamagitan ni Angel Javier (candy bags and balloons), Liwayway Marketing Corp through Kacie Gotamco and Annie Ringor (Bread Pan and
Choco Chugs) at Dr. Eric & Vina Yapjuangco of Icon Clinic through Chuck Gomez (toiletry kits).
Tumulong din sina Jerry Olea ng Abante Tonight, Ervin Santiago ng Bandera, Janice Navida ng Bulgar (na nag-bake ng brownies para sa event), Maricris Nicasio ng Hataw, Eugene Asis ng People’s Journal, Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa, Tessa Arriola ng The Manila Times at Dinah Ventura ng Daily Tribune para mag-assist sa games at gift-giving. Sumama rin sa grupo sina  Chuck Gomez at Sonny Espiritu bilang official photographer.

Adding more fun to the event, may photo booth at face-painting booth, courtesy ng ABS-CBN Corporate Communications group led by Kane Choa.
Nagbigay naman ang San Miguel Corporation through Jon Hernandez nang kahung-kahong Magnolia mineral water na pamatid-uhaw ng mga bata, habang ang Unilab for Ritemed (through Claire Papa and Butch Raquel), ay nag-donate ng boxes of vitamin C and paracetamol.
Ang Bahay at Yaman ay well-kept compound na kung saan matatagpuan ang charity school arm ng Angelicum.
Simula 2003, ang mga kabataang mula Prep hanggang High School ay nakatatanggap na edukasyon sa loob ng bakuran, na kung saan matatagpuan din ang isang kaakit-akit na kapilya.
Ayon sa volunteer co-worker na si Adora Briones, para sa mga interesado na mag-share ng kanilang blessings lalo na ngayong Pasko, pwedeng mag-donate ng bath soap, shampoo, toothpaste, toothbrush, alcohol, laundry soap or detergent, condiments (cooking oil, soy sauce, vinegar, fish sauce, etc.), clothes, slippers and books.
Pwedeng kontakin si Noel Ordiales sa 09212579375 o mag-log sa kanilang website www.stmartinproject.org.





No comments:

Post a Comment