Saturday, March 25, 2017

Inaabangang kasal nina Peter at Gloria, matutunghayan na

NGAYONG hapon (March 27) na mapapanood ang pinaka-aabangang kasal nina Peter (Nonie Buencamino) at Gloria (Sylvia Sanchez) sa top-rating series na The Greatest Love pagkatapos ng The Better-Half sa ABS-CBN.



Kinunan ang naturang kasalan na napakagandang St. Andrews Chruch sa Silang, Cavite na ngayon pa lang yata mapapanood sa isang serye.

Base sa pinadala sa amin ni Ibyang na wedding photos na kuha sa TGL, ang ganda talaga ng simbahan, pati ang wedding gown na sinuot ni Gloria na gawa ni Frankie de Leon.

Pagkatapos nga ng ilang dekada natuloy na rin ang kasal nina Peter at Gloria, at isa sa dapat abangan sa episode ngayong hapon ay kung makakarating ba sa kasal si Amanda (Dimples Romana).

Last Friday, ini-reveal na rin na last four weeks na lang at matatapos na ang minahal at talagang araw-araw na tinututukan na teleserye.

Ayon pa kay Sylvia, tiyak na mag-iiyakan ang makakapanood ng kasal nila ni Peter.

At sa nalalabing apat na linggo marami pang eksena na magpapaluha sa mga manonood, kaya 'wag nang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos nang isa sa pinakamatagumpay na afternoon series ng Kapamilya network, ang The Greteast Love.

No comments:

Post a Comment