Tuesday, June 20, 2017

GIL, kinaiinggitan at sobrang suwerte na nakahalikan si JENNYLYN

NAPAKASARAP na kausap ng baguhan aktor na si Gil Cuerva na biglang sikat dahil sa pagganap niya bilang Matteo Domingo sa local adaptation ng GMA sa hit Korean series na My Love from the Star na kung saan bida rin si Jennylyn Mercado na kinagigiliwan din bilang Steffi Chavez.
         Aminado si Gil na lalo pa siyang napi-pressure ngayong marami na ang nakatutok sa kanyang pagganap, na araw-araw ay sinusubaybayan talaga ng kanyang mga tagahanga at bashers, kung may meron na ba siyang improvement sa pag-arte.
Aware din siya na napaka-successful ng original version ng serye, kaya kailangan nila itong matapatan ni Jennylyn.
Plus na si Alden Richards ang original choice para sa role ni Matteo, na napunta nga sa kanya, kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang napi-pressure.
Pero sa tinatakbo ng serye na marami ang nagkakagusto sa kanyang pagganap, mukhang kaya rin siyang sumikat tulad ni Alden.
"Ayokong maging assuming, I'll go with the flow lang, tingnan natin pero sana umabot, pero hindi ako nag-i-expect," tugon ng guwapong baguhan.
Marami rin ang nagsasabi na masuwerte siya dahil nakakahalikan niya si Jennylyn, na marami pa rin ang nagpapantasya.
"Ako talaga ang masuwerte.  Yun kissing scene namin kinunan yun late last month.
"Tapos yun mga friends ko na mga boys, parang nagagalit or naiinis, dahil nga nakaka-eksena ko si Jennylyn."

Nag-meet na sila ni Dennis Trillo sa GMA, pero 'hi and hello', nagpakilala lang daw siya, pero hindi sila nakapag-usap nang matagal.
Ayon pa kay Gil, hindi siya nagpi-feeling close kay Jennylyn, kahit palagi silang nagkakasama sa serye, pag kailangan daw na mag-usap, saka silang mag-uusap.
Okey lang kay Gil na maging 'sex object' siya at mahalungkat ang kanyang buhay, dahil nga marami na ang nagkaka-interes sa kanya ngayon.
Pero sa pagdating sa lovelife, hangga't maaari ay gusto niya itong maging private
Samantala, natutuwa naman ang GMA Network dahil tinututukan ang magkakasunod na primetime shows na Mulawin vs. Ravena, My Love from the Star at ang malapit nang magtapos na Meant To Be.

(published at People's Balita - June 17, 2017)

No comments:

Post a Comment