Saturday, July 15, 2017

KATHRYN, nakagawa ng record dahil second cover na, kasama pa si Daniel sa '100 Most Beautiful Stars'

NAKAGAWA ng record si Kathryn Bernado yearly YES! 100 Most Beautiful Stars, dahil siya ang first star na twice na naging cover ng special issue ng pinakasikat na showbiz magazine.
Una siyang naging cover noong July 2013 kasama si Julia Montes, na co-star niya sa remake ng 'Mara Clara' at sa taong ito nga extra special ang paglabas niya sa cover dahil silang dalawa naman ni Daniel Padilla ang magkasama.
“Akala ko nga hindi cover ’to,” tugon ni Kath. 
“Akala ko kasi nga, once ka lang puwede. And I’m very thankful, kasi ngayon, I’m sharing this cover with DJ, and ’yon, malaking bagay. So I’m thankful sa YES! talaga.”


Nag-pose ang power duo at isa sa hottest love team ng bansa, kay ace photographer Mark Nicdao, ibinahagi din sa YES! ang mga detalye sa kanilang relationship.
Ayon kay Daniel, pinakikilig daw niya si Kathryn sa pamamagitan ng pang-aasar. 
“Paano ko siya pakiligin? Inaasar ko lang siya,” tumatawang tugon ng niya.                           
 "Bina-bad-trip ko lang siya. Gano’n ang kulitan namin, bad-tripan lang kami nang bad-tripan. Para may something lang lagi.”
Tanggap naman ni Kathryn na ang pang-aasar sa kanya ni Daniel ay way nito nang paglalambing.
“Alam namin ’yong timpla ng isa’t isa. Magkaibang-magkaiba kami ni DJ off-cam, pero pag magkasama kami, nagbe-blend pa rin kami. Siguro ’yon ’yong pinaka-secret do’n is huwag kang magtago sa mga tao. Kasi, kung ano ’yong nakikita nila sa camera, gano’n din kami kakulit off-cam.”

Kahit na panay ang PDA (public display of affection) ng dalawa, wala pa silang inaamin na sila. 
“Kitang-kita naman na. Parang ano pa ba’ng kailangang sabihin? Wala na. Hindi na kailangang magsalita pa. Masyado nang klaro ’yong mensahe na ipinaparating namin,” pahayag pa ni Daniel.
Nagbigay naman ng reaksyon si Daniel sa pagkakapili sa kanila ni Kathryn bilang Most Beautiful Stars ng YES!, na pagpapatunay na sila talaga ang pinaka-popular loveteam.
“Hindi, hindi naman ganu’n kaano ‘yung da­ting sa amin nu’n na, ‘Okey, ito na!’ Hindi naman.
“More on thankful lang talaga kami sa YES! na binigyan si Kathryn ulit at ako naman nga­yon ng chance na ma­ging cover, ‘di ba?
“‘Yun lang naman talaga. Wala nang ibang layering doon. Pasa­lamat lang talaga kami. At saka ang ganda ng pictures, ‘no?”



Sagot naman ni Kathryn, “Masaya kami na kami nga ‘yung cover. Basta kami ni DJ, naniniwala kami na lahat ng artista,me­ron kang contribution sa industry.
“And kami, ginagawa namin ‘yung part namin at masaya kami na maraming nagkakagusto nu’n.
“Hindi naman ibig sabihin nu’n na kami lang. Maraming iba diyan na kahit sa ibang network, na nagtutulung-tulong para mas maraming ma-offer sa mga tao.”
Iba na talaga ang kaguwapuhan ngayong ni Daniel, dati raw ay mukha siyang butiki sa sobrang kapayatan. 
Kahit naman si Kathryn ay malaki na rin ang improvement, at nagku-complement talaga silang dalawa.
“Ako, palagi ko lang kailangan sabayan si Kathryn. Kailangan kong sabayan ‘yung dating ni Kathryn," tugon ni DJ. 
"Hindi puwedeng maiwanan ako, baka basted-in ako. Ha! Ha! Ha!
“Baka magi­sing siya, ma-bad trip pa siya sa akin. Ha! Ha! Ha! At saka siguro, when you feel good, you look good.” 


(published @ People's Balita - July 14, 2017)

No comments:

Post a Comment