BUKAS, July 9, na malalaman kung sinu-sino ang magwawagi sa first
Entertainment Editors' Awards for Movies, na makikilala rin bilang The Eddys,
na gaganapin sa Kia Theater, Quezon City.
Ang mag-amang Edu at Luis Manzano
ang magiging hosts ng naturang awards night, na first time na mangyayari sa kanilang
respective careers.
Bukod sa labanan para sa Best
Film, Best Director, Best Actress & Actor, Best Supporting Actress &
Actor at mga technical awards, may tatanggap din ng tatlong special awards.
Ipagkakaloob ang Special Awards
kina Director Lav Diaz (Manny Pichel Award), TV host/columnist Boy Abunda (Joe
Quirino Award) at Regal Films matriarch Lily Monteverde (Producer of the Year).
Pangungunahan ito ng top TV and
movie love team na sina James Reid at Nadine Lustre na magbubukas ng show.
Matutunghayan din sina Ella Cruz, Julian Trono, Yassi Pressman at Arjo Atayde sa
kani-kanilang respective dance numbers.
A must-see production number naman
ang pagsasamahan nina singer-songwriter Ogie Alcasid at Concert King Martin
Nievera. Kasama pa sina Morissette Amon
at Klarisse para sa isang tribute sa namayapang OPM legend na si Willy Cruz.
Pangungunahan naman ng top-caliber
and award-winning actor and actress na sina Christopher de Leon at Lorna
Tolentino ang mga celebrities na magpi-present ng various awards.
Kasama sa list ang rising young
stars na sina AJ Muhlach at Phoebe Walker; Empoy Marquez at Alessandra de Rossi
ng upcoming movie na "Kita Kita;" ang mag-asawang Sarah Lahbati at
Richard Gutierrez na napapanood ngayon sa top-rating ABS-CBN series, "La
Luna Sangre;" Edward Barber at Maymay Entrata; JC Santos at Bela Padilla;
Elmo Magalona at Janella Salvador na bida sa Star Cinema’s teen horror na
"Bloody Crayons;" at ang mga primetime drama queens na sina Cristine
Reyes at Jodi Sta. Maria, at marami pang iba. Mula ito sa panulat ni Nash Torres
at sa direksyon ni Arnel Natividad, ang The Eddys ay joint production ng Viva
Live at ABS-CBN.
Ang SPEEd ay binubuo nina Isah V.
Red ng The Manila Standard; Eugene Asis ng People's Journal; Jojo Panaligan ng The Manila Bulletin; Ian Farinas ng People's Tonight; Salve Asis ng Pilipino
Star Ngayon/Pang Masa; Gie Trillana ng Malaya Business Insight; Dondon Sermino ng Abante; Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times; Dindo Balares ng Balita;
Dinah Ventura ng The Daily Tribune; Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer;
Ervin Santiago ng Bandera; Maricris Nicasio ng Hataw; Jerry Olea ng Abante
Tonite; Rohn Romulo ng People’s Balita at ng adviser na si Nestor Cuartero ng Tempo.
(published at People's Balita - July 8, 2017)
No comments:
Post a Comment