Tuesday, January 9, 2018

SYLVIA, 'di makakalimutan na malaki ang utang na loob kay Mother Lily


PAGKARAAN nang dalawang dekada, muling nagbabalik si Sylvia Sanchez sa Regal Films sa pelikulang Mama’s Girl na kung saan bida na siya.
Kasama ang magka-loveteam na Sofia Andres at Diego Loyzaga at ang very promising new actor na si Jameson Blake.


Hindi naman kinalilimutan ni Sylvia na si Mother Lily Monteverde ang naka-discover sa kanya ay nagbigay ng big break sa pelikula.
  Kaya ganun na lang ang pagtanaw niya ng utang na loob dahil isa ang Regal sa nagbigay sa kanya ng ipakita na may ibubuga siya sa pag-arte, kahit na nagsimula sa pagpapa-sexy.
“Thankful ako sa movie na ito dahil ang tagal ko nang sinasabi sa kanya na, ‘Mot­her, ang tagal mo nang hindi ako kinukuha!’
"So ngayon, kinuha ako, bumalik siya sa akin, bumalik ako sa kanya kaya thankful ako,” sabi ni Ibyang na nanggulat sa presscon Mama’s Girl dahil sa kanyang sexy dress.
“Si Mother Lily ang nag-discover sa akin kaya ‘yung kuwento namin ay sobrang haba. Kung gusto ninyong ma­laman kuwentuhan tayo ng isang araw.
"Hindi ko idi-deny ang mga pinagdaanan ko dahil ipinagmalalaki ko ‘yon. Doon ako lahat humugot ng tapang!
"Na kung me­ron mang nagtawa sa akin noon, thank you dahil kung anuman ‘yon, sa inyo ako kumuha ng tamang lakas at tapang!” katuwiran pa ng mahusay na aktres.


Malaking blessing nga para kay Sylvia ang kanyang first movie para sa 2018 na showing na sa nationwide sa January 17.
Ayon sa premyadong aktres, "napakasarap sa pusong maging bahagi ng isang proeyekto na alam mong may magandang mensahe para sa mga manonood.  Kung sa 'The Greatest Love' at 'Hanggang Saan' ay nakita n'yo ako bilang isang martir na ina sa isasakripisyo ang lahat para sa anak, dito sa 'Mama's Girl' ibang tipo naman ng nanay ang makikilala nila, fighter siya!"
Confident naman si Sylvia na marami ang makaka-relate sa kanilang movie lalo na ang mga ina at anak nilang babae.
Tiyak na mamahalin daw ang kanyang character na si Mina at ang anak niyang si Abby (Sofia), na maganda itong movie date para sa ating mga ina.
"Single mom man o hindi, lahat ng nanay ay magsasabing naranasan o nararanasan nila ang pinagdaanan ni Mina.  'Yung punto ng buhay mo na mapapaisip ka kung ano'ng nangyari sa anak mo at sa relasyon n'yong mag-ina.  Napabuti ka nga ba dahil sa akin o mas napasama pa.
"Siguradong hindi ka lang iiyak sa mga eksena dito kundi mapapaisip ka tungkol sa estado ng iyong pamilya," kuwento pa ni Sylvia.
So, parang napaaga ang Mother's Day offering ng Regal, dahil January pa lang ang mapapanood ang inspirational drama film na dinirek ni Connie S. A. Macatuno, na for sure, lahat tayo ay tatamaan sa mensaheng gusto nilang iparating.
Kasama rin sa cast sina Yana Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes, Arlene Muhlach, Allan Paule, Alora Sasam at marami pang iba.


(Published @ People's Balita - January 9, 2018)

watch the official trailer:
https://www.youtube.com/watch?v=Y1dF7tBln1s





No comments:

Post a Comment