Friday, May 4, 2018

ARJO, excited at kinakabahan na maka-trabaho si MARICEL

NOONG April 28, ipinakilala na nga si Arjo Atayde bilang first endorser ng The Origin Series, ang new line of perfume ng Beautederm na ginanap sa Relish Restaurant, na may tatlong scent, ang Alpha, Radix at Dawn.

Infairness, pinabongga ang pagwi-welcome kay Arjo na maging part ng growing family na Beautederm na pag-aari ng nice and lovable na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, dahil tulad ng ginawa niya kina Matt Evans, Carlo Aquino at Sylvia Sanchez, naglalakihang billboards ang kanilang pinagawa.
RHEA & ARJO
May video rin na nilabas para sa pag-i-endorse ni Arjo ng bagong produkto. Bongga rin ang presscon, hindi nagtipid sa foods at may pa-raffle pa, kaya nagmistulang Christmas in April, kaya tuwang-tuwa ang mga nagsipagdalo sa launching.
Anyway, hindi naiwasang tanungin si Arjo tungkol sa kanyang first showbiz girlfriend na Sammie Rimando na member ng Girltrends na napapanood sa It's Showtime.
ARJO & SAMMIE

Pero kahit alam na ng lahat ang kanilang relasyon, gusto pa rin niyang maging pribado ito.
“I’m not open talking about it but I’m open with the idea that everyone knows but talking about it.
“I wanna keep it to myself kasi kahit papaano, even if people knows, I wanna keep my privacy with Sammie.
“The only thing that I can tell you is that, I’m very, very happy.
“I’m more than happy right now and I’m enjoying my work, my family and everything else.
“I’m very blessed and thankful for everything,” pahayag ni Arjo.
Nilinaw din niya na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Sue Ramirez na ka-loveteam niya sa katatapos lang na Hanggang Saan.
SUE & ARJO

“Sue and I are really, really good friends, pahayag ni Arjo.
“I can’t explain po sa inyo how close we got po when we did Hanggang Saan.
“Unbelievable experience. Napakahusay na artista, wala akong masabi.”
Inamin din ni Arjo na bukod kay Sue, dream din niyang maka-partner si Julia Montes, na sa pagkakaalam namin ay may pinaplano ang Regal Entertainment na movie para sa kanila, na hopefully matuloy para ma-check niya ang isa sa nasa bucket list.
Type din niyang makatrabaho someday sina Maja Salvador at Bea Alonzo.
May mga pelikula siyang gagawin this year, pero hindi pa raw pwedeng sabihin kung anu-ano ito. May natapos din siyang movie, na naghihintay lang kung kailan ito ipalalabas, pero siguradong manggugulat na naman siya dito, dahil balitang nakapahusay na naman ng pagkakaganap niya.
Isa pa sa dapat abangan ay ang pagbabalik primetime niya.
MARICEL SORIANO
Lumabas na kasi na nabanggit na ni Diamond Star Maricel Soriano na siya ang magiging anak sa bagong serye sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter.
Kaya nagulat si Arjo nang matanong tungkol dito dahil alam niyang dapat munang ilihim yun. Pero hindi lang niya babanggitin ang role pero tiyak na isa ito sa most challenging na kanyang gagawin.
Kinakabahan na si Arjo at excited na makatrabaho si Maricel at hindi raw niya kung paano ito gagawin.
“Sabi niya, 'You have to believe in yourself,' and she’s there to guide me," ayon sa pahayag niya.

Isa rin sa labis na natutuwa sa pangyayaring ito ang kanyang Mommy Sylvia na naging malapit din sa hinahangaang aktres, may post pa nga ito na naipagluto niya si Maricel at nakapag-kuwentuhan sa pagsasama nila bilang mag-ina.


(published @ People's Balita - May 1, 2018)

No comments:

Post a Comment