Friday, April 17, 2020

SYLVIA, LABIS NA NAGPAPASALAMAT DAHIL PAREHO NA SILANG COVID-FREE NI PAPA ART



SAGLIT naming naka-usap ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez kagabi (April 17) sa pamamagitan ng FB messenger.

Maayos na ang kanyang pagsasalita at unti-unti na ngang nanunumbalik ang kanyang lakas at nakakatulog na rin ng maayos matapos na mag-negative sa COVID-19. Nakauwi na siya sa bahay nila sa White Plains noong April 15 after ma-confine sila ng asawa na si Papa Art Atayde sa Cardinal Santos Medical Center noong April 1 dahil nag-positive nga sila sa corona virus. 


At sa kanyang ngang Facebook post, “SALAMAT SA DIYOS! Nakauwi na po ako matapos mag-negative sa COVID19! Ang asawa ko po ay kailangan pang manatili ng 2-3 araw sa ospital para sa isa pang test. Maraming maraming salamat sa inyong mga dasal!”

Kuwento pa ni Ibyang sa 15 days niya sa ospital, hindi talaga siya natulog ng maayos dahil halos oras-oras na tsini-check ang kanilang kalagayan ng mga nurses at doctors, ang mga frontliners na kinikilalang mga bagong heroes na una na niyang pinasalamatan kahit naka-confine pa siya at lumalaban sa matinding karamdaman.   

Dagdag tsika pa ng brand ambassador ng Beautederm, nagmistulang playground daw ang kanyang braso, dahil palipat-lipat ang pagtusok sa kanya ng suwero dahil palaging namamaga at ngayon ay nararadaman pa rin niya ang matinding pagod sanhi ng kanyang pagkakasakit na muntik na niyang ikapahamak.


Binalita rin sa amin ni Sylvia na nag-negative na rin si Papa Art sa COVID-19 at sa araw na ito, April 18 ay lalabas na rin ito ng ospital, kaya naman labis labis ang kanilang pasasalamat sa Diyos at sa lahat ng nagdasal sa kanilang paggaling.

Next month, magsi-celebrate naman si Sylvia ng kanyang kaarawaan (May 19), at napakagandang advance birthday gift nga ang kanyang natanggap ngayon pareho na silang COVID-free ni Papa Art.

God is good all the time talaga...

No comments:

Post a Comment