Thursday, April 2, 2020

THROWBACK PHOTOS NINA CONEY REYES AT TOM RODRIGUEZ, PINAGPIYESTAHAN NG NETIZENS




DAHIL maraming oras ang mga tao ngayon sa kani-kanilang tahanan, maraming trending challenges ngayon sa social media gaya na lamang nang pagpo-post ng throwback photos na may caption na Until Tomorrow na nangangahulugan na hanggang bukas lamang ang post at buburahin mo rin ito. 

Ang mga throwback photos kasi ay kailangang medyo alanganin at nakakahiya. Game na game naman na nag-join ang Love of my Life stars na sina Coney Reyes at Tom Rodriguez sa Instagram challenge na ito. 

CONEY REYES

Imbes na pagtawanan, marami ang humanga sa mala-anghel na throwback photo ni Coney na kuha raw noong first holy communion niya noong 7 years old ang veteran actress. 

Samantala, mukhang nag-enjoy naman si Tom na nag-post ng sandamakmak na throwback photos niya simula pagkabata hanggang binata na kinaaliwan naman ng netizens. 



TOM RODRIGUEZ
 
TOM RODRIGUEZ

Biro pa ng Kapuso actor sa caption nito, “Sa mga nagsasabing lumaki ang ulo ko, itigil nyo na, dahil may pruweba ako dito na bata pa lang ako eh malaki na talaga ulo ko. Pang cartoons ang sukat!” 

Mapapanood si Coney sa top-rating GMA series na Love of my Life na pansamantalang pinalitan ng My Husband’s Lover kung saan tampok naman si Tom kasama sina Carla Abellana at Dennis Trillo tuwing gabi sa GMA Telebabad.

No comments:

Post a Comment