Monday, September 28, 2020

SANYA, IKINATUWA ANG ITATAYONG AIRPORT NG SMC DAHIL MALAKING TULONG SA TAGA-BULACAN

“NAKAKA-PROUD kasi taga-Bulacan ako and magkakaroon na kami ng airport dito,” masayang pahayag ni Sanya Lopez.

Ikinatuwa nga niya nang mabalitaan na may itatayong airport ang San Miguel Corporation sa 'di-kalayuan sa bayan ng Bulakan.

Sa panahon ng pandemya dulot ng Covid-19 ay naiisip din ni Sanya ang kalagayan ng mga kababayan sa kinalakhang lugar sa Malolos, Bulacan. 

Alam ng seksing aktres na makapagbibigay ng pag-asa sa mga nawalan ng hanapbuhay at naapektuhang negosyo sa probinsya nya.

Namangha nga si Sanya nang nalaman sa mga balita na 'pag nagawa ang naturang paliparan ay kaya nitong tumanggap ng 100 milyon na pasahero kada taon dahil sa paunang apat na runway, world class na terminal at transport system. 

Maliban dito ay mahigit isang milyong trabaho ang magagawa nito, sisibol ang iba’t ibang negosyo at makakatulong mapaunlad ang turismo.


“Malaking bagay ang magagawa ng San Miguel sa aking mga kababayan sa Bulacan. It will not only generate jobs to my kababayan kundi marami rin ang papasok na turista at businesses pa sa aming lugar,” dagdag pa niya.

Kaya’t dahil dito ay lagi niyang pinapaalala na mga kababayan na iwasang magkasakit at huwag mawalan ng pag-asa sa krisis na kinakaharap ng bansa at ng probinsya.

“Ang message ko sa aking mga kababayan sa Bulacan ay maging maingat lagi sa sarili. Follow safety protocols. Wear mask and face shields. Let’s wash our hands regularly. And practice social distancing. 

"Tatlo lang naman yon na ating tatandaan para makaiwas tayo sa Covid. And let’s not lose hope. Pag-aralan nating mag-cope sa ganitong crisis. Hindi naman tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya,” seryosong payo pa ni Sanya.

“Likas naman sa ating mga Bulakenyo ang pagiging matulungin kaya magtulungan tayo ang keep the Bayanihan spirit within us. Darating ang panahon at malalagpasan din natin ito sa awa ng Diyos,”

Kahit hirap sa umpisa ay nakakapag-adjust na rin si Sanya sa tinatawag na “new normal". 

“Hindi pa rin ako gaanong nakakalabas dahil puro work from home lang ang ginagawa ko na binibigay sa akin ng GMA and endorsements.  If I may count it mga three times lang akong nakalabas, yung nagtaping ako for 'Wish Ko Lang' and isa pang show.”


Kaya’t medyo nalulungkot sya dahil limitado ang galaw tulad ng nakakarami dahil sa pandemya.

“Medyo malungkot dahil isa pa naman sa mga dream ko ang makapag-travel sa ibat ibang lugar,” kuwento pa niya.

Kapag napag-uusapan nga ang byahe ay hindi nya maiwasang maalala ang mga napuntahan na magagandang lugar, lalong na ang mga paborito niya na Japan, Boracay at Canada na kung saan nag-enjoy talaga siya.

“Nag-enjoy ako sa Japan dahil masarap ang food nila doon. Favorite ko rin kasi ang ramen lalo na sa kanila is authentic talaga. 

"Isa pa ay naging bonding din namin ito ng brother ko (Jak Roberto) at ni Barbie (Forteza) dahil kasama ko sila noon,” lahad pa niya.

Kaya’t optimistic siya na pag nalampasan na ng buong mundo ang Covid-19 pandemic ay babalik rin sa normal at mas mapapabuti pa ang pamumuhay ng mga tao, lalo na sa bayan ng Bulacan.

“Alam kong lilipas din itong crisis natin at babalik din sa normal ang lahat. Mabibisita ko pa rin yung mga lugar na di ko pa napupuntahan,”positibong sagot ni Sanya.


No comments:

Post a Comment