Sunday, October 18, 2020

JODI at DIMPLES, pinalalaganap ang pagmamalasakit kontra COVID-19


KAHIT tapos na ang quarantine period sa maraming lugar at unti-unti ay sumusubok ang mga tao na ipagpatuloy ang buhay sa ilalim ng new normal ay may takot at alinlangan pa rin ang karamihan dahil sa banta ng COVID-19.

Nakalulungkot lang minsan, na habang ingat na ingat ka at sumusunod sa health and safety protocols na inilabas ng Department of Health (DOH) ay may mga ilan, o minsan pa nga ay marami, na hindi pa rin sumusunod o ‘di naman kaya ay nakakalimutang sundin ang guidelines para makaiwas sa sakit o para hindi makahawa.



Kaya very timely and relevant ang bagong public service campaign ng Unilab, Inc. na may pamagat na "Malasakit Para Sa Isa’t Isa." Layunin nito na paigtingin ang nasimulang kampanya ng DOH laban sa coronavirus.

Kaya naman ang mga brand ambassador ng Unilab na sina Jodi Sta. Maria at Dimples Romana ay nag-post din ng nasabing public service ad sa kani-kanilang social media pages upang palaganapin ang mensahe nito na talaga namang akmang-akma sa kasalukuyang panahon ng pandemya.

Patuloy namang umaani ng mga biyaya ang dalawang mahuhusay na aktres na sa kabila ng mga nangyayari hindi lang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin sa buong mundo mismo ay nagbibigay sila ng inspiration bukod sa mga paalala.



Si Jodi ang kasalukuyang mukha ng Biogesic at Biogesic for Kids nitong huling anim na taon, habang si Dimples naman ay ang isa sa pinakabagong kapamilya ng Unilab na ngayo’y nag-e-endorso na ng pambatang Solmux kasama ang napakabibo niyang anak na si Alonzo.

Malalim ang mensahe ng kampanya ng Unilab dahil hindi lamang ito tungkol sa mga protocol. Tungkol din ito sa pagkakaroon ng malasakit na sabihan ang iba kung sila ay nakakalimot na sumunod. Magalang na pagpapaalala at may ngiti sa labi dahil ginagawa ito ng may tunay na pag-aalala para sa iba. 

Naiiba talaga itong kampanya dahil hindi lang nakatuon sa pansarili kundi para sa lahat.  Na kahit anong ingat mo, pero paano ang iba na kailangan ng paalala, lalo na  yung mga pasaway. At kung sakali man na ikaw naman ang makalimot, hindi mo ba gugustuhin na may magpaalala rin sa’yo?

Maliit na bagay lang ito kung tutuusin pero kung ang lahat ng tao ay magiging ganito ang pananaw sa health and safety protocol, ang magmalasakit na paalalahanan ang mga nakakalimot ay  malaki ang magiging impact nito sa patuloy na laban kontra COVID-19. 


No comments:

Post a Comment