Friday, February 5, 2021

RIA, NAPASABAK NA NAMAN SA KANYANG PAGBABALIK-'MMK'


NAPASABAK na naman sa pag-arte si Ria Atayde sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) pagkalipas ng mahigit na dalawang taon.



Makakatambal niya si Jake Cuenca at makakasama nila si Malou de Guzman sa natatangi nitong pagganap sa episode ngayong Sabado ng gabi na may titulong “Monster In Law. 

Si Jake ang gaganap na anak ng beteranang aktres at Ria naman ang manugang niya.

Magiging matamis pa nga ba ang maasim na samahan ng mag-biyenan?    

Tikman ang sarap ng pagmamahal ngayong Sabado ng FEB-IBIG. 

  

                 

Pang-limang MMK na pala ito ni Ria. 

Una siyang sumabak sa MMK noong May 28, 2016 sa episode na ‘Puno ng Mangga’ kasama sina Matt Evans at Joseph Marco, na kung saan nanalo siya ng Best New TV Personality sa Star Awards for TV.  

Nasundan ito noong July 22, 2017, sa MMK episode na ‘Damit’ na kung saan gumanap naman si Ria bilang Hershey Hilado at napalaban siya sa matinding dramahan

Kasama rin siya cast ng ‘Portrait’ episode noong April 14, 2018 na pinagtambalan nina Ian Veneracion at Angel Aquino. 

Sa MMK episode na ‘Korona’ na pinalabas noong December 8, 2018, naganap ang kauna-unahang pagsasama ng magkapatid na Ria at Arjo Atayde. Ginampanan nila ang Sibuyan siblings na sina Armin at Rosedel na kung saan pareho silang pinuri.



Napapanood ang MMK tuwing 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (free live-streaming), iWant TFC (on-demand streaming), at A2Z Channel 11 (free and digital TV in Mega Manila).               

Isa lang ito sa apat kuwento na matutunghayan sa MMK sa buwan ng FEB-IBIG. Kasunod ng episode nina Ria at Jake ang “Love and Adulting” nina Charlie Dizon at Jameson Blake (Pebrero 13), “Love Scam” nina Dimples Romana at Ketchup Eusebio (Pebrero 20), at “Millennial Queer Women” nina Nathalie Hart at Jane Oineza (Pebrero 27).

No comments:

Post a Comment