Saturday, April 23, 2022

Monsour Del Rosario, Joins Makatizens For Leni-Kiko's NCR Grand Rally


KASAMANG tumindig ng 'Makatizens for Leni-Kiko' ang dating Makati District 1 Congresman at ngayon ay senatorial candidate na si Monsour Del Rosario.


Sa Makatindig Grand Assembly Walk nitong umaga ng Sabado, Abril 23, nakiisa si Del Rosario sa mga supporters nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang paglalakad mula Ayala Triangle Gardens hanggang Osmena Highway, bago tumulak sa caravan papuntang Macapagal Boulevard, Pasay City, kung saan gaganapin ang NCR Grand Rally ng Leni-Kiko team.

“Nakakataba ng puso na makitang nagkakaisa ng mga tao para sa isang layunin na mapabuti at mapaganda ang ating bansa. Tingin ko hindi lang basta pagkakataon itong pagkakasama ko sa 1Sambayan na sumusuporta sa Leni-Kiko tandem.


"Nakatadhana ito dahil ang layunin ko sa aking pagtakbo bilang senador at ang layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem ay iisa. Pare-pareho ang hangarin namin na maiangat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang gobyernong tapat sa paninilbilhan sa tao,” wika ni Del Rosario

Si Del Rosario ay bahagi ng Partido Reporma, ngunit kamakailan ay napabilang na rin siya 1Sambayan senatorial slate na kadikit ng Leni-Kiko tandem. Bagamat hindi bahagi ng opisyal na “Tropang Angat” senatorial slate nina Leni-Kiko, nananatiling buo ang pagsuporta ni Del Rosario sa tandem at sa mga adhikain nito para sa bansa.


“Kami sa 1Sambayan, ang ino-offer namin sa publiko ay isang alternative na listahan ng mga senador. Kahit na yung iba sa amin ay hindi bahagi ng official na endorsed senatorial slate, kami ay sure na sure na 100% ang suporta namin kina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan. Gusto kong ipaalala sa ating mga kakabayan kung gaano kahalaga ang pagboto sa mga senador na buo ang suporta sa pinipili nilang presidente at bise presidente.

"Pagdating ng panahon, kaming mga senador ang magiging kaagapay ng presidente sa pagpatupad ng mga batas na kakailanganin natin para mapaunlad ang bansa at maiangat ang buhay ng lahat ng Pilipino. Kaya hinihikayat ko ang ating mga kababayan na pumili ng mga senador na tunay na kaalyado ng presidente,” dagdag ni Del Rosario.

#IpanaloNa1oParaSaLahat
#MonsourDelRosarioForSenator
#SureNaSureForLeniKiko

No comments:

Post a Comment