ISA na namang fabulous weekend na puno ng nostalgia at good vibes sa pinaka-bagong YouTube vlog ni Senator Imee Marcos na tiyak na kagigiliwan ng kanyang loyal supporters.
![]() |
SENATOR IMEE MARCOS |
Masisilayan din ng kanyang mga tagahanga ang all-access pass sa star-studded premiere night ng 'Maid In Malacañang' na ginanap sa The Block, SM City North EDSA sa Quezon City.
Siguradong mag-e-enjoy ang mga YouTubers sa exclusive footage ni Sen. Imee kasama sina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Diego Loyzaga, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Ella Cruz, Cristine Reyes, at madami pang iba.
Ayon pa sa hardworking na senadora, batas na ngayon ang Creative Industries Bill.
Ang sumunod na rampa naman ni Sen. Imee ay sa FAMAS Awards 2022 na kung saan ginawaran siya ng 'Exemplary Award In Public Service' para sa kanyang kontribusyon sa restorasyon ng Metropolitan Theater.
Bilang patronesa at taga-pagpalaganap ng pop culture at sining, nagsimula si Senator Marcos sa kanyang paglalakbay bilang artista sa MET kung saan nagbida siya sa ilang stage productions noong Dekada ‘70.
![]() |
SENATOR IMEE MARCOS, NORA AUNOR & CHARO SANTOS-CONCIO |
Sa naturang awards nights, reunited din sina Sen. Imee, Superstar Nora Aunor at Ms. Charo Santos-Concio (na nanalo ng kanyang first Best Actress FAMAS award) na naka-trabaho niya sa 'Himala'.
Ngayong Disyembre, ipagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng 'Himala', na prinodyus ng senadora noong 1982 sa pamamagitan ng Experimental Cinema Of The Philippines (ECP) at itinuturing na isa sa Greatest Asian Film of All Time.
Maging bahagi ng kasiyahan at samahan si Senator Imee sa kanyang latest adventures at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured
No comments:
Post a Comment