Saturday, May 28, 2022

Artist Circle Celebrates 10th Anniversary : Honored Loyal Artists with 'Dekada Award'


ISANG grandiosong 10th Anniversary party ng Artist Circle ang naganap noong May 11, 2022 sa bonggang Aquila Crystal Tagaytay Events Place sa Tagaytay City.

Pag-aari ito ng newest artist ng Artist Circle si Tei Endencia, na isang kilalang event specialist. 

Ayon sa founder/manager na si Rams David, na-meet niya si Tei dahil kay Wilma Doesnt na isa rin sa kanyang alaga.

RAMS DAVID & TEI ENDENCIA

“Bilang ang galing nilang mag-design ng event, e. Starting next month, all of the booking, all of the arrangement na dadaanan ng Aquila will go through Artist Circle. so we’ll be his satellite office in Quezon City.”

Idea raw ni Tei na gawin nila ang ballroom party para nga sa 10th anniversary ng Artist Circle.

“Sabi niya, 'Tito Rams, let’s do something big.' And sakto na 10th anniversary ng Artist Circle. At nabuo ito, two weeks ago lang. That’s why I’m grateful kay Tei Endencia, the MasTEIpiece for inviting us over.

“So, it’s an expansion of my office, for booking na makakatulong din sa mga artista natin.”

RAMS DAVID & TEI ENDENCIA

Dagdag pa niya, "at kung kailangan ang expertise niya sa pagde-design ng party, like Fairy Tale o Harry Potter or Phantom of the Opera, maaasahan sa pagde-design si Tei.

"And since he owns the venue, doon na nga namin ginawa ang 10th anniversary party."

Nagdatingan naman halos lang ng mga artists ng Artist Circle at guests na pawang nakasuot ng formal gowns and suits na angkop sa sa "ballroom" theme ng party, na kung saan lumakad sila sa red carpet at nakaroon ng photo op, at nag-enjoy sa sinerve na bonggang dinner. 

“We established it 2012, so sampung taon na siya at ang artists natin ay more or less ay nasa 70 na," kuwento ni Rams.

"So, bakit siya 70, alam n'yo naman ang mga hawak ko are the character actors and actresses of different field.  Before siya naging Artist Circle, it’s House of Characters, dahil marami tayong hawak na artists na pwede sa iba't-ibang supporting roles na kailangan lalo na sa mga teleserye."

Nagsimula nga ang Artist Circle sa pagma-manage ng primera klase at premyadong aktres tulad nina Celia Rodriguez,  Chanda Romero, Odette Khan at Sheryl Cruz, at sa 10 years dumami na sila.

Sa ginanap na 10th anniversary ng Artist Circle, pinarangalan din ni Rams ang mga artistang nakasama nila ten years ago at kung nabubuhay lang si German 'Kuya Germs' Moreno ay kasama rin siya sa list.

ARTIST CIRCLE'S 'DEKADA AWARDEE'

Kasama sa labing anim na nakatanggap ng 'Dekada Award.' sina Sheryl Cruz, Chanda Romero, Odette Khan, Mosang, Mel Kimura, Shyr Valdez, Dang Cruz, Ces Quesada, Jet Rai, Andrew Schimmer, Robert Correa, Marlon Mance, Rico Robles, Lorenz Martinez, Mike Magat, at Celia Rodriguez.

Mas nakilala si Rams David bilang mahusay na program manager sa mga shows ng GMA-7 at noong 2011 ay naging president siya ng Triple A (All Access to the Artists) ni Mr. Antonio P. Tuviera at nag-manage ng career nina Marian Rivera at Maine Mendoza, na labis niyang ikinatutuwa sa kasikatang tinatamasa ng dalawang big stars ng GMA-7.

Hindi naman naging madali pa kay Rams na lisanin ang Triple A para personal na matutukan ang kanyang sariling management company.

“Nagpaalam naman ako nang maayos at napakabait naman ni Chairman na pinayagan ako," say pa ng butihing manager.

CHRISTIAN, JELAI, CARLOS & JOPAY

Kabilang nga sa mga bagong mina-manage ng Artist Circle ay si Asiana na daughter ng model and actress na si Wilma. 

Ang ilan pa sa mga artists nina Rams ay sina Jelia Andres, Jopay Paguia at Joshua Zamora, at apat pang Sexbomb Dancers na sina Mia Pangyarihan, Mhyca Bautista, Cheche Tolentino, at Aira Bermudez.  

Kabilang din sa mga talents sina Krissy Achino, ang magkapatid na Mike at Carlos Agassi, Mico Aytona, BJ "Tolits" Forbes, Inday Garutay, Kiks Ferrer, at Christian Antolin na isa sa tinanghal na Stars of the Night kasama sina Jelai, Jopay at Carlos.

At sa pagpasok ng kanilang ika-11 taon, asahan na mas maraming artists ang madadagdag sa Artist Circle na kung saan meron na rin silang mga kabataan na dini-discover na puwede nilang iko-manage sa Sparkle GMA Artist Center, kung mabibigyan ng pagkakataon.

Congrats Artist Circle, cheers to more decades in the entertainment industry!

No comments:

Post a Comment