Saturday, March 25, 2017

Inaabangang kasal nina Peter at Gloria, matutunghayan na

NGAYONG hapon (March 27) na mapapanood ang pinaka-aabangang kasal nina Peter (Nonie Buencamino) at Gloria (Sylvia Sanchez) sa top-rating series na The Greatest Love pagkatapos ng The Better-Half sa ABS-CBN.



Kinunan ang naturang kasalan na napakagandang St. Andrews Chruch sa Silang, Cavite na ngayon pa lang yata mapapanood sa isang serye.

Base sa pinadala sa amin ni Ibyang na wedding photos na kuha sa TGL, ang ganda talaga ng simbahan, pati ang wedding gown na sinuot ni Gloria na gawa ni Frankie de Leon.

Pagkatapos nga ng ilang dekada natuloy na rin ang kasal nina Peter at Gloria, at isa sa dapat abangan sa episode ngayong hapon ay kung makakarating ba sa kasal si Amanda (Dimples Romana).

Last Friday, ini-reveal na rin na last four weeks na lang at matatapos na ang minahal at talagang araw-araw na tinututukan na teleserye.

Ayon pa kay Sylvia, tiyak na mag-iiyakan ang makakapanood ng kasal nila ni Peter.

At sa nalalabing apat na linggo marami pang eksena na magpapaluha sa mga manonood, kaya 'wag nang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos nang isa sa pinakamatagumpay na afternoon series ng Kapamilya network, ang The Greteast Love.

Wednesday, March 8, 2017

VINA, natupad na ang dream na maka-duet ang anak na si CEANA


PITONG taong na palang hindi gumagawa ng album si Vina Morales at upang ipagdiwang ang kanyang ika-30 taon sa sa showbiz nagbalik-recording at handog niya ang bagong album na pinamagatang Vina XXX.
Ayon sa singer-actress, ang Vina XXX ay paraan niya ng pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang mga proyekto.
“Grateful at inspired ako na umabot ako ng 30 taon sa showbiz. Isang milestone ang umabot ng 30 taon. ‘Di ko ‘to mararating kung hindi dahil sa mga taong tumulong sa akin,” sabi ni Vina.
“At mas inspired pa ako ngayon na magtrabaho para maibalik ko ang pagmamahal ng supporters ko sa pamamagitan nitong album ko.”



Napakinggan na namin ang nilalaman ng buong album na pawang original tracks, kasama ang minus one versions nito.
Gustung-gusto namin “Eres Mio” na isinulat ni Rox Santos, at “Laro” ni Edwin Marollano.
Kasama rin dito ang isang revival song, “Lagay ng Puso” nina Raizo Chabeldin at Rox Santos, na unang inawit at pinasikat ni Bryan Termulo.
Mapapakinggan din ang mother-daughter duet na “Pag-ibig Na Walang Hangganan,” na isinulat ni Jungee Marcelo na kung saan kasama ni Vina ang kanyang anak na si Ceana.
Dream come true daw ito para sa kanya na nakapag-record kasama ang anak.
“Nahiya siya nu’ng una, pero nakanta niya nang maayos yung part niya,” kuwento pa ni Vina.
Kabilang sa track list ang “Maghihintay Kailanman,” nina Chie Floresca at Jonathan Manalo, “I Want Love To Stay” ni Jamie Rivera, “To Live for Each Other” ni Atty. Loreto C. Ata, at ang Theo Remix ng “Eres Mio” ni Rox Santos.
Ang Vina XXX ay ipinrodus nina Rox Santos at Raizo Chabelin. Mabibili na ito nationwide sa halagang P299.
Ang digital tracks naman ay maaaring i-download sa online music stores gaya ng ABS-CBN Store, iTunes, Mymusicstore.com.ph, Amazon.com, OneMusic.ph, at Starmusic.ph.


(Rated R: published at People's Balita March 8, 2017)