Thursday, July 20, 2017

RIA, pinatutunayan na kayang-kayang makipagsabayan kina SYLVIA at ARJO


ISANG malaking hamon na naman ang binigay kay Ria Atayde sa muli niyang paglabas sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN 2.

Gagampanan niya ang kwento ng buhay ng Filipina-born Australian-based entrepreneur na si Hershey Hilado.
    Sa kanyang Instagram post, "I told you guys I couldn't wait to share good news with all of you... so good news number 1: I'll be portraying @hershey_official on @mmkofficial this Saturday! 😍 can't wait to show another side of me and for you all to hear her beautiful and inspiring story 🀸🏼♀️


    Post pa niya nang sumunod na araw, "Definitely honored to have been given the opportunity to portray @hershey_official (along with @itsalyannaangeles) who has such a beautiful and inspiring story @mmkofficial πŸ’— catch us on #MMKHersheyHilado this Saturday, 8:30pm on ABSCBN! ☺️ @thefacemantra."



    Sa teaser naman ng MMK na mapapanood nga sa Sabado nang gabi, umaatikabong aktingan ang pinakita ni Ria, na sa bawat pagganap niya ay masasabing pagaling siya nang pagaling.


    At humahabol talaga siya at pinatutunayang kayang-kaya niyang makipagsabayan sa husay ng inang si Sylvia Sanchez at kuyang si Arjo Atayde, na last month lang ay muling nag-MMK na kung saan ginampanan naman ng premyadong aktor ang buhay ni Rocky Gathercole, na umani rin ng mga papuri sa husay niya sa pagganap.


    For sure, hahangaan din si Ria sa muli niyang paglabas sa MMK, kaya 'wag ninyong kaliligtaang panoorin ngayong Sabado.


(published @ People's Balita - July 20, 2017)

ALESSANDRA, mas funny pa kesa kay EMPOY dahil sa kakaibang hirit

MAGAGANDA ang mga feedbacks na natatanggap sa trailer pa lang ng Kita Kita (I See You) na hatid ng Spring Films at Viva Films na pinagbibidahan ng Millenial Loveteam o 'Ang Lovetem Na Hindi Mo Inakala' na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Mula ito sa mahusay na direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo, na nag-direk ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita.
Kakaiba talaga ito sa mga rom-com movies na palaging guwapo at maganda ang mga bida.
Aminado naman si Direk Joyce Bernal, isa sa producers ng movie, na talagang naghanap sila ng aktor na hindi talaga kaguwapuhan at si Empoy nga ang napili nila at agree naman sina Piolo Pascual at Erickson Raymundo na part din ng Spring Films.

Sisiguraduhin daw nila na may kilig pa rin ang tambalan nina Alessandra at Empoy. Ang pagkakaiba lang, bulag ang character ni Alessandra na maghuhulog nang husto ang loob sa role na ginampanan ni Empoy at hindi talaga niya alam kung guwapo ba ito o hindi.
Bukod sa kuwento, excited din naming makita ang magagandang tanawin sa Sapporo City, Hokkaido, Japan na kung saan kinunan ang pelikula noong nakaraang taon.


Sobrang saya at nagulat si Direk Sigrid dahil sa kanya ibinigay ng Spring Films ang naturang pelikula, na maituturing niyang big break. 
May script na, complete na ang cast, at sa Japan ang location ng shooting at siya na lang daw ang kulang para idirek ang unang tambalan nina Alessandra at Empoy.
Sa panayam sa baguhang direktor na-discover niya na parehong may sense of humor ang mga bida sa kanyang pelikula. 
“May sense of humor silang pareho na hindi nakikita ng iba. Si Alex kasi as a person, may sense of humor siya.
"Actually, mas nakakatawa siya kaysa kay Empoy. Pareho silang may hirit, pero mas iba si Alex.
“Ang problema kasi kay Alex, walang ibinigay sa kanyang role na may sense of humor kaya hindi alam ng tao. I don’t know, ha, kasi lahat ng nakikita ko, puro drama. 
"Iyon ang nakita kong personality nilang dalawa na puwedeng mag-work out at si Empoy, mayroon siyang serious side na gusto kong ilagay sa pelikula.” 

Naipalabas na ang Kita Kita (I See You) sa Osaka Film Festival at natuwa naman daw si Direk Sigrid ang reaksiyon ng crowd dahil nag-iyakan lalo na sa last part ng movie na may kurot sa puso.
Nagkaroon na rin pa ito ng premiere night sa UP Cine Adarna last May 12, 2017 na pinanonood ng mga students at nagustuhan din ng mga nakararami.
Ngayong gabi naman, may Special Celebrity Screening ang Kita Kita (I See You) sa Trinoma Cinema 7 at siguradong magiging star-studded event ito sa pangungunahan ni Papa P.
Tomorrow naman, July 19, ang showing nito nationwide. 

(published @ People's Balita - July 18, 2017)

Wednesday, July 19, 2017

CHRISTIAN, bida na sa 'Born Beautiful' na spin-off ng 'Die Beautiful'

LAST Wednesday (July 12), ini-launch sa Edsa Shangri-La ang mga kakaibang programang mapapanood sa Cignal Entertainment na umabot na raw ng halos dalawang milyong subscri­bers simula noong 2015.


Sa buwang ito magpi-premiere na ang initial production ng Masque Valley Productions na Tukhang.
Four-part series ito na pagbibidahan nina James Blanco at Karel Marquez at sa direksyon ni Lawrence Fajardo.
Mapapanood na ito sa July 22, Sabado sa Co­lours, Sari-Sari at Bloomberg TV Philippines.


Naka-line up din ang iba't-ibang shows tulad ng Tabi Po, Advocainse 1 & 2 ang series na ipo-produce ng Idea First nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, na spin-off ng 2016 MMFF blockbuster movie na Die Beautiful, na may titulong Born Beautiful na pagbibidahan ni Christian Bables.
Malaking challenge ito sa Best Supporting Actor ng MMFF, at for sure, maiku-compare siya kay Paolo Ballesteros kahit iba na ang kwento nito.  Pero tiyak na aabangan story ng Born Beautiful na punum-puno pa rin ng comedy.
       Bukod dito may natapos din siyang movies, ang Finally Found Someone at Ghost Bride sa Star Cinema, at meron siyang gagawin sa Regal Films.


(published @ People's Balita - July 17, 2017)

AJ, umaasa na tatanggapin bilang newest action star

UMAASA si AJ Muhlach na sa pagbabagong-bihis niya pamamagitan ng Double Barrel (Sige Iputok Ko) ng Viva Films ay tanggapin siya bilang newest action star. 

   Pangarap kasi ni Direk Toto Natividad na magtuluy-tuloy uling sumigla ang action films sa bansa at sisimulan nga niya ito kay AJ. 
   Tugon naman ng baguhang action star, “Ito po pala ang gusto ko, maging action star, final na ito. Dati kasi, naguguluhan pa ako kung ano ang dapat i-market sa akin, kung matinee idol ako, singer o dancer, ngayon okay na, action po pala." 
   At dahil nga sa action movie ang Double Barrel, kasama na talaga ang maiinit na love scenes at hindi naman nila bibiguin ang manonood sa love scene niya sa leading lady na si Phoebe Walker. 


   Umamin ang aktor na hubo’t hubad talaga sila sa eksena, “Ang iniisip ko lang po all throughout the love scene is ‘yung protektahan ko siya kasi babae po, ‘yung katawan niya baka masilipan kasi may ibang tao sa set.” 
  Wala namang takot si AJ sa paghuhubad at wala raw siyang pakialam kahit na masilipan pa siya. Pero pareho naman silang naka-plaster ni Phoebe sa nasabing matinding love scene na maganda ang pagkaka-shoot ni Direk Toto.
  Opening scene pa lang daw movie nila na Double Barrel ay may bonggang pasabog na mapapanood sa Agosto 2, na kung saan kasama rin sina Ali Khatibi, Jeric Raval at marami pang iba.

(published @ People's Balita - July 17, 2017)

SHARON, walang talent fee at naging producer pa sa first indie film

KITANG-KITA namin na sobrang excited si Megastar Sharon Cuneta na um-attend sa presscon ng 2017 Cinemalaya film festival noong nakaraang linggo.

   Nakita namin na maaga pa lang ay nasa CCP na siya at nakunan agad ng live interview ni Laila Chikadora ng TV 5.
   Sobrang happy ni Sharon na natuloy at naging bahagi ng Cine­malaya dahil natapos nga niya in time ang movie ni dinirek ni Mes de Guzman na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.



   Ayon sa panayam kay Mega, “I was not at all doubtful. I was never in doubt na magagawa ko. Kasi, alam ko sa sarili ko, alam ko ‘yung makakaya ko sa schedule, alam ko ang demands ng schedule ko.
   “Alam ko kung saan ako, ‘Baka hindi na ako puwede, bibigay na ang katawan ko nito.’I knew I could do this.
   “So, when I had the sche­dule, I really stuck to it. I finished it just before leaving (for the US).”


   Mukhang nag-enjoy talaga si Sharon sa paggawa ng kanyang first indie film na kung saan producer din siya.
  “I would love to do it again and again and again! At sabi ko nga, basta istorya lang, walang problema sa ta­lent fee.
  “Wala akong talent fee, naki-co-produce na nga ako, eh. Basta naniniwala ako sa istorya, I’m going to support it.
   “This is my industry. I am in love with it. If someone gives me a story that is worth doing, that’s different, that I cannot do sa mainstream, I will gladly, gladly do it. I would love to do many more indie movies in the future,” tugon pa ni Mega.
  Simula sa August 4 hanggang August 13 mapapanood ang siyam na full-length films at twelve short story features ng Cinemalaya 13 sa CCP at Ayala Cine­mas.

(published @ People's Balita - July 19, 2017)

Saturday, July 15, 2017

LIZA, inasahang mapipili na 'Most Beautiful Star', pero mukhang next year pa

KUNG maraming natutuwa sa pagiging most beautiful stars ng KathNiel, marami rin pala ang umaasa na si Liza Soberano ang magiging cover ng 2017 YES! Most Beautiful Stars for obvious reason.


Pero sa rami nga ng achievements ng KathNiel sa taong ito, nararapat lang talaga na sila ang piliin lalo na ngayon na very successful ang 'La Luna Sangre'.
Si Liza na kahit na ubod ng ganda ay may kailangan pang patunayan sa TV man at sa  pelikula.  Siguradong naman ang pagiging Millennial Darna ang magpapasikat nang husto sa kanya, kapag naipalabas na ito at naging mega-blockbuster. 

This early, may nagsasabi na tiyak na si Liza Soberano na sa 2018 ay siya ang solo cover ng YES! Most Beautiful Stars at makaka-level niya sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, Marian Rivera, Kim Chiu, Anne Curtis, Sarah Geronimo at Kris Aquino .
     Samantala, si John Lloyd Cruz pa rin ang kaisa-isang male star na naging cover ng palaging inaabangang special issue ng YES!


(published @ People's Balita - July 14, 2017)

KATHRYN, nakagawa ng record dahil second cover na, kasama pa si Daniel sa '100 Most Beautiful Stars'

NAKAGAWA ng record si Kathryn Bernado yearly YES! 100 Most Beautiful Stars, dahil siya ang first star na twice na naging cover ng special issue ng pinakasikat na showbiz magazine.
Una siyang naging cover noong July 2013 kasama si Julia Montes, na co-star niya sa remake ng 'Mara Clara' at sa taong ito nga extra special ang paglabas niya sa cover dahil silang dalawa naman ni Daniel Padilla ang magkasama.
“Akala ko nga hindi cover ’to,” tugon ni Kath. 
“Akala ko kasi nga, once ka lang puwede. And I’m very thankful, kasi ngayon, I’m sharing this cover with DJ, and ’yon, malaking bagay. So I’m thankful sa YES! talaga.”


Nag-pose ang power duo at isa sa hottest love team ng bansa, kay ace photographer Mark Nicdao, ibinahagi din sa YES! ang mga detalye sa kanilang relationship.
Ayon kay Daniel, pinakikilig daw niya si Kathryn sa pamamagitan ng pang-aasar. 
“Paano ko siya pakiligin? Inaasar ko lang siya,” tumatawang tugon ng niya.                           
 "Bina-bad-trip ko lang siya. Gano’n ang kulitan namin, bad-tripan lang kami nang bad-tripan. Para may something lang lagi.”
Tanggap naman ni Kathryn na ang pang-aasar sa kanya ni Daniel ay way nito nang paglalambing.
“Alam namin ’yong timpla ng isa’t isa. Magkaibang-magkaiba kami ni DJ off-cam, pero pag magkasama kami, nagbe-blend pa rin kami. Siguro ’yon ’yong pinaka-secret do’n is huwag kang magtago sa mga tao. Kasi, kung ano ’yong nakikita nila sa camera, gano’n din kami kakulit off-cam.”

Kahit na panay ang PDA (public display of affection) ng dalawa, wala pa silang inaamin na sila. 
“Kitang-kita naman na. Parang ano pa ba’ng kailangang sabihin? Wala na. Hindi na kailangang magsalita pa. Masyado nang klaro ’yong mensahe na ipinaparating namin,” pahayag pa ni Daniel.
Nagbigay naman ng reaksyon si Daniel sa pagkakapili sa kanila ni Kathryn bilang Most Beautiful Stars ng YES!, na pagpapatunay na sila talaga ang pinaka-popular loveteam.
“Hindi, hindi naman ganu’n kaano ‘yung da­ting sa amin nu’n na, ‘Okey, ito na!’ Hindi naman.
“More on thankful lang talaga kami sa YES! na binigyan si Kathryn ulit at ako naman nga­yon ng chance na ma­ging cover, ‘di ba?
“‘Yun lang naman talaga. Wala nang ibang layering doon. Pasa­lamat lang talaga kami. At saka ang ganda ng pictures, ‘no?”



Sagot naman ni Kathryn, “Masaya kami na kami nga ‘yung cover. Basta kami ni DJ, naniniwala kami na lahat ng artista,me­ron kang contribution sa industry.
“And kami, ginagawa namin ‘yung part namin at masaya kami na maraming nagkakagusto nu’n.
“Hindi naman ibig sabihin nu’n na kami lang. Maraming iba diyan na kahit sa ibang network, na nagtutulung-tulong para mas maraming ma-offer sa mga tao.”
Iba na talaga ang kaguwapuhan ngayong ni Daniel, dati raw ay mukha siyang butiki sa sobrang kapayatan. 
Kahit naman si Kathryn ay malaki na rin ang improvement, at nagku-complement talaga silang dalawa.
“Ako, palagi ko lang kailangan sabayan si Kathryn. Kailangan kong sabayan ‘yung dating ni Kathryn," tugon ni DJ. 
"Hindi puwedeng maiwanan ako, baka basted-in ako. Ha! Ha! Ha!
“Baka magi­sing siya, ma-bad trip pa siya sa akin. Ha! Ha! Ha! At saka siguro, when you feel good, you look good.” 


(published @ People's Balita - July 14, 2017)

NORA, RHIAN, CHRISTIAN at ISABEL, kahanga-hanga ang attitude na pang-Hollywood


NAGING magumpay ang kauna-unahang The Eddys Entertainment Editors' Awards na ginanap noong Linggo (July 9) ng gabi sa Kia Theater, Cubao, Q.C.



Kapuri-puri ang husay ng mag-amang Edu at Luis Manzano na first time na nagsama bilang mga hosts sa isang awards night.
Nakuha ng Ang Babaeng Humayo ang Best Picture at Best Director para kay Lav Diaz.
Si Star For All Seasons Vilma Santos ang nanalong Best Actress para sa Everything About Her, at si Paolo Ballesteros naman ang tinanghal na Best Actor para sa Die Beautiful.
May valid reason naman kung bakit hindi nakarating si Congresswoman Vilma dahil nasa Amerika pa ito at next week pa ang balik, kaya ang anak niyang si Luis na lang tumanggap ng tropeo at nagpasalamat para sa aktres.
Hindi naman nagpakita si Paolo, pati na sina Angel Locsin (Best Supporting Actress para sa Everything About Her) at John Lloyd Cruz (Best Supporting Actor para sa Ang Babaeng Humayo).


Kahanga-hanga at labis naming ikinatuwa ang pagpunta nina Supertar Nora Aunor na nominated for Best Actress para Tuos at si Rhian Ramos para naman sa Saving Sally na dapat tularan ng stars sa kanilang attitude na pang-Hollywood.
Marami nga nag-isip na baka isa sa kanila ang nanalo, dahil present sila sa awards night, pero dahil nga walang leakage ang winners, hindi talaga namin alam kung sino ang mga nanalo.


Gusto rin namin pasalamatan sina Christian Bables, at Maria Isabel Lopez na nag-effort pumunta, dahil para sa kanila ang pagkaka-nominate sa kanila ay enough reason na para um-attend ng The Eddys na in-organize ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd).


Narito ang complete list of winners and special awards sa The Eddys:
Best Picture - Ang Babaeng Humayo
Best Director – Lav Diaz (Ang Babaeng Humayo)
Best Documentary - Sunday Beauty Queen
Best Actor - Paolo Ballesteros (Die Beautiful)
Best Actress - Vilma Santos (Everything About Her)
Best Supporting Actor – John Lloyd Cruz (Ang Babaeng Humayo)
Best Supporting Actress – Angel Locsin (Everything About Her)
Best Musical Score - Everything About Her
Best Sound – Seklusyon
Best Theme Song - Saving Sally
        Best Visual Effects  Seklusyon
        Best Editing - Die Beautiful
        Best Production Design - Die Beautiful
        Best Cinematography - Seklusyon
        Best Screenplay - Everything About Her


        Joe Quirino Award - Boy Abunda
       Manny Pichel Award - Lav Diaz
       Producer of the Year - Mother Lily Monteverde
       Posthumous Award - Joaquin 'Jake' Tordesillas

Mapapanood naman ang kabuuan ng The Eddys Entertainment Editors Awards sa July 16 sa ABS-CBN's Sunday's Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.


(published @ People's Balita - July 11, 2017)

CONG. ALFRED, tinupad ang pangako kay YASMINE na pakakasalan sa simbahan

TINUPAD ni Congressman Alfred Vargas ang kanyang pangako sa beautiful wife niya na si Yasmine Espiritu-Vargas na magpapakasal pa rin sila sa simbahan.



      Sa July 23 na ito at gaganapin sa Manila Cathedral dahil ‘yun ang kagustuhan ni Yasmine dahil may hawig daw ito sa simbahan sa Italya.


      Sa Manila Peninsula naman ang bonggang reception.
     Tatayong junior bridemaids ang dalawa nilang pretty girls na sina Alexandra at Aryana Cassandra.


     Pitong pares na ninong at ninang na kinabibilangan ng manager ni Alfred na si Manay Lolit Solis, Mar Roxas, Manny Pangilinan, Congresswoman Vilma Santos, Kris Aquino at Vice President Leni Robredo.  
     Cord Sponsors naman ang butihing Quezon City Mayor na si Herbert Bautista at si Vice Mayor Joy Belmonte.


     Matatandaang nag-propose ang former Encantadia star sa kanyang nakapagandang asawa na kahawig ni Marian Rivera, noong July 23, 2016 sa Lemuria restaurant, Quezon City. 


     Ang mabait at matulunging congressman ay sikretong ikinasal sa kanyang Filipina-Italian wife noong August 2010 sa Supreme Court of the Philippines at itinakda nga ang kanilang church wedding, eksaktong isang taon sa kanyang proposal.


     Ayon sa panayam sa Representative ng 5th District ng QC, “Sabi ko kay Yasmine nu’ng  nag-civil wedding kami, ‘I’m gonna give you the wedding that you want. Give me time to save.’”

     “So, ayun. Kaya ipon muna, tapos eto na,” dagdag pahayag pa ni Cong. Alfred may entry sa 2017 Cinemalaya, 'Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa' na showing na ngayong Agosto.


     Bonggang-bongga nga ang prenup shoot ng mag-asawang Alfred at Yasmine na kinunan pa sa Milan at Venice, Italy.


     For sure, kaabang-abang din kung gaano kaganda ang isusuot ng wedding gown ng beautiful wife ni Cogressman Alfred.

(published @ People's Balita - July 10, 2017)
(photos by: niceprint)

MOTHER LILY, BOY at LAV, pararangalan sa kauna-unahang 'The EDDYS'


BUKAS, July 9, na malalaman kung sinu-sino ang magwawagi sa first Entertainment Editors' Awards for Movies, na makikilala rin bilang The Eddys, na gaganapin sa Kia Theater, Quezon City.


    Ang mag-amang Edu at Luis Manzano ang magiging hosts ng naturang awards night, na first time na mangyayari sa kanilang respective careers.
    Bukod sa labanan para sa Best Film, Best Director, Best Actress & Actor, Best Supporting Actress & Actor at mga technical awards, may tatanggap din ng tatlong special awards.
    Ipagkakaloob ang Special Awards kina Director Lav Diaz (Manny Pichel Award), TV host/columnist Boy Abunda (Joe Quirino Award) at Regal Films matriarch Lily Monteverde (Producer of the Year).
    Pangungunahan ito ng top TV and movie love team na sina James Reid at Nadine Lustre na magbubukas ng show. Matutunghayan din sina Ella Cruz, Julian Trono, Yassi Pressman at Arjo Atayde sa kani-kanilang respective dance numbers.  
    A must-see production number naman ang pagsasamahan nina singer-songwriter Ogie Alcasid at Concert King Martin Nievera.  Kasama pa sina Morissette Amon at Klarisse para sa isang tribute sa namayapang OPM legend na si Willy Cruz.
    Pangungunahan naman ng top-caliber and award-winning actor and actress na sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino ang mga celebrities na magpi-present ng various awards.
    Kasama sa list ang rising young stars na sina AJ Muhlach at Phoebe Walker; Empoy Marquez at Alessandra de Rossi ng upcoming movie na "Kita Kita;" ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na napapanood ngayon sa top-rating ABS-CBN series, "La Luna Sangre;" Edward Barber at Maymay Entrata; JC Santos at Bela Padilla; Elmo Magalona at Janella Salvador na bida sa Star Cinema’s teen horror na "Bloody Crayons;" at ang mga primetime drama queens na sina Cristine Reyes at Jodi Sta. Maria, at marami pang iba.  Mula ito sa panulat ni Nash Torres at sa direksyon ni Arnel Natividad, ang The Eddys ay joint production ng Viva Live at ABS-CBN.
     Ang SPEEd ay binubuo nina Isah V. Red ng The Manila Standard; Eugene Asis ng People's Journal; Jojo Panaligan ng The Manila Bulletin; Ian Farinas ng People's Tonight; Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon/Pang Masa; Gie Trillana ng Malaya Business Insight; Dondon Sermino ng Abante; Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times; Dindo Balares ng Balita; Dinah Ventura ng The Daily Tribune; Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer; Ervin Santiago ng Bandera; Maricris Nicasio ng Hataw; Jerry Olea ng Abante Tonite; Rohn Romulo ng People’s Balita at ng adviser na si Nestor Cuartero ng Tempo.
(published at People's Balita - July 8, 2017)


JAMES at NADINE, may pasabog na number, MARTIN at OGIE, magbibigay ng tribute sa 'The EDDYS'


ASAHAN na dadagsa ang mga maniningning na bituin sa kauna-unahang Entertainment Editors' Awards for Movies, dubbed The Eddys, ngayong Linggo, July 9 na gaganapin sa Kia Theater, Quezon City.
    Ang mag-amang Edu at Luis Manzano ang magiging hosts ng naturang awards night, na first time na mangyayari sa kanilang respective careers bilang sought-after emcees in Philippine showbiz.
A glittering roster of artists will provide the production numbers throughout the exciting evening dedicated to honoring the best creative minds and talents in the movie industry.
    Pangungunahan ito ng top TV and movie love team na sina James Reid at Nadine Lustre na may pasabog na number. Magpapatalbugan naman sina Ella Cruz, Julian Trono, Yassi Pressman at Arjo Atayde sa kani-kanilang respective musical numbers.
    A must-see production number naman ang pagsasamahan nina singer-songwriter Ogie Alcasid at Concert King Martin Nievera.  Kasama pa sina Morissette Amon at Klarisse para sa isang tribute sa namayapang OPM legend na si Willy Cruz.

    Pangungunahan naman ng top-caliber and award-winning actor and actress na sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino ang mga celebrities na magpi-present ng various awards.
    Kasama sa list ang rising young stars na sina AJ Muhlach at Phoebe Walker; Empoy Marquez at Alessandra de Rossi ng upcoming movie na "Kita Kita;" ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na napapanood ngayon sa top-rating ABS-CBN series, "La Luna Sangre;" Edward Barber at Maymay Entrata; JC Santos at Bela Padilla; Elmo Magalona at Janella Salvador na bida sa Star Cinema’s teen horror na "Bloody Crayons" at ang mga primetime drama queens na sina Cristine Reyes at Jodi Sta. Maria, at marami pang iba.
    Ipagkakaloob din ang Special Awards kina Director Lav Diaz (Manny Pichel Award), TV host/columnist Boy Abunda (Joe Quirino Award) at Regal Films matriarch Lily Monteverde (Producer of the Year).

    Mula sa panulat ni Nash Torres at sa direksyon ni Arnel Natividad, ang The Eddys ay joint production ng Viva Live at ABS-CBN.
    (The Eddys is mounted by the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), a non-stock, non-profit organization of entertainment editors from the country's top broadsheets and tabloids.
    The awards is the group's way of encouraging Filipino filmmakers, producers, writers, actors and other allied artists in the Philippine movie industry to continue pursuing their passion of creating films that mirror the realities of our society.)

    Ang SPEEd ay binubuo nina Isah V. Red ng Manila Standard; Eugene Asis ng People's Journal; Jojo Panaligan ng The Manila Bulletin; Ian Farinas ng People's Tonight; Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon/Pang Masa; Gie Trillana ng Malaya Business Insight; Dondon Sermino ng Abante; Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times; Dindo Balares ng Balita; Dinah Ventura ng The Daily Tribune; Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer; Ervin Santiago ng Bandera; Maricris Nicasio ng Hataw; Jerry Olea ng Abante Tonite; Rohn Romulo ng People’s Balita at ng adviser na si Nestor Cuartero ng Tempo.
(published at People's Balita - July 6, 2017)