Wednesday, July 19, 2017

AJ, umaasa na tatanggapin bilang newest action star

UMAASA si AJ Muhlach na sa pagbabagong-bihis niya pamamagitan ng Double Barrel (Sige Iputok Ko) ng Viva Films ay tanggapin siya bilang newest action star. 

   Pangarap kasi ni Direk Toto Natividad na magtuluy-tuloy uling sumigla ang action films sa bansa at sisimulan nga niya ito kay AJ. 
   Tugon naman ng baguhang action star, “Ito po pala ang gusto ko, maging action star, final na ito. Dati kasi, naguguluhan pa ako kung ano ang dapat i-market sa akin, kung matinee idol ako, singer o dancer, ngayon okay na, action po pala." 
   At dahil nga sa action movie ang Double Barrel, kasama na talaga ang maiinit na love scenes at hindi naman nila bibiguin ang manonood sa love scene niya sa leading lady na si Phoebe Walker. 


   Umamin ang aktor na hubo’t hubad talaga sila sa eksena, “Ang iniisip ko lang po all throughout the love scene is ‘yung protektahan ko siya kasi babae po, ‘yung katawan niya baka masilipan kasi may ibang tao sa set.” 
  Wala namang takot si AJ sa paghuhubad at wala raw siyang pakialam kahit na masilipan pa siya. Pero pareho naman silang naka-plaster ni Phoebe sa nasabing matinding love scene na maganda ang pagkaka-shoot ni Direk Toto.
  Opening scene pa lang daw movie nila na Double Barrel ay may bonggang pasabog na mapapanood sa Agosto 2, na kung saan kasama rin sina Ali Khatibi, Jeric Raval at marami pang iba.

(published @ People's Balita - July 17, 2017)

No comments:

Post a Comment