Thursday, July 20, 2017

ALESSANDRA, mas funny pa kesa kay EMPOY dahil sa kakaibang hirit

MAGAGANDA ang mga feedbacks na natatanggap sa trailer pa lang ng Kita Kita (I See You) na hatid ng Spring Films at Viva Films na pinagbibidahan ng Millenial Loveteam o 'Ang Lovetem Na Hindi Mo Inakala' na sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Mula ito sa mahusay na direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo, na nag-direk ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita.
Kakaiba talaga ito sa mga rom-com movies na palaging guwapo at maganda ang mga bida.
Aminado naman si Direk Joyce Bernal, isa sa producers ng movie, na talagang naghanap sila ng aktor na hindi talaga kaguwapuhan at si Empoy nga ang napili nila at agree naman sina Piolo Pascual at Erickson Raymundo na part din ng Spring Films.

Sisiguraduhin daw nila na may kilig pa rin ang tambalan nina Alessandra at Empoy. Ang pagkakaiba lang, bulag ang character ni Alessandra na maghuhulog nang husto ang loob sa role na ginampanan ni Empoy at hindi talaga niya alam kung guwapo ba ito o hindi.
Bukod sa kuwento, excited din naming makita ang magagandang tanawin sa Sapporo City, Hokkaido, Japan na kung saan kinunan ang pelikula noong nakaraang taon.


Sobrang saya at nagulat si Direk Sigrid dahil sa kanya ibinigay ng Spring Films ang naturang pelikula, na maituturing niyang big break. 
May script na, complete na ang cast, at sa Japan ang location ng shooting at siya na lang daw ang kulang para idirek ang unang tambalan nina Alessandra at Empoy.
Sa panayam sa baguhang direktor na-discover niya na parehong may sense of humor ang mga bida sa kanyang pelikula. 
“May sense of humor silang pareho na hindi nakikita ng iba. Si Alex kasi as a person, may sense of humor siya.
"Actually, mas nakakatawa siya kaysa kay Empoy. Pareho silang may hirit, pero mas iba si Alex.
“Ang problema kasi kay Alex, walang ibinigay sa kanyang role na may sense of humor kaya hindi alam ng tao. I don’t know, ha, kasi lahat ng nakikita ko, puro drama. 
"Iyon ang nakita kong personality nilang dalawa na puwedeng mag-work out at si Empoy, mayroon siyang serious side na gusto kong ilagay sa pelikula.” 

Naipalabas na ang Kita Kita (I See You) sa Osaka Film Festival at natuwa naman daw si Direk Sigrid ang reaksiyon ng crowd dahil nag-iyakan lalo na sa last part ng movie na may kurot sa puso.
Nagkaroon na rin pa ito ng premiere night sa UP Cine Adarna last May 12, 2017 na pinanonood ng mga students at nagustuhan din ng mga nakararami.
Ngayong gabi naman, may Special Celebrity Screening ang Kita Kita (I See You) sa Trinoma Cinema 7 at siguradong magiging star-studded event ito sa pangungunahan ni Papa P.
Tomorrow naman, July 19, ang showing nito nationwide. 

(published @ People's Balita - July 18, 2017)

No comments:

Post a Comment