Sunday, September 24, 2017

JOSHUA, JEROME, MCCOY at NASH, aminadong napi-pressure sa primetime slot ng 'The Good Son'


TINAPOS talaga namin ang advance screening ng The Good Son na hatid ng Dreamscape Entertainment na mapapanood na sa Lunes, Setyembre 25 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Puro papuri nga ang natanggap ng buong cast na pinangunahan ni Joshua Garcia na bukod sa napakagandang kuwento ay ang huhusay talaga nilang umarte.


Originally, intended pala ito sa Kapamilya Gold, pero napagdesisyunan ng management na ilagay sa primetime at ipalit sa A Love To Last na magtatapos na tonight, at base sa napanood namin, nararapat lang talaga na ilagay ito sa primetime ang The Good Son na mula sa sa direksiyon nina Andoy Ranay at Manny Palo.
Aminado naman ang mga baget na malaking pressure para sa kanila ang na nilagay nga sila sa primetime slot.


Tiyak na maraming makaka-relate sa kuwento ng dalawang pamilya na pagtatagpuin dahil sa isang masakit na pangyayari.
Nagsimula ang teleserye habang nagkukuwento si Victor Buenavidez (Albert Martinez) sa pinagdaanang buhay na agad na magtatapos sa kanyang ika-40 na kaarawan.
Pagkatapos ng surprise party, aalis siya ng bahay dahil gusto niyang makapag-isip-isip dahil matagal na silang hidwaan ng asawang si Olivia Gesmundo-Buenavidez (Eula Valdes), maririnig ng kanilang bunsong anak na si Calvin(Nash Aguas) ang kanilang pag-aaway na pilit pa nilang itatago.


Naghihintay naman ang kanyang ikalawang pamilya, na naghanda rin dahil nangako itong pupunta. 
Sa flashback, nakilala ni Victor si Racquel Reyes-Santiago (Mylene Dizon) na isang single mom at kasama ang amang si Matias (Ronnie Lazaro) nang nagpunta ito sa isang lugar sa Quezon. 
Dahil aksidente, nagkasakit si Victor kaya nagtagal siya sa lugar, nabighani at nahulog ang loob niya kay Racquel hanggang sa may mamagitan na kanila at si Joseph “Jopet” Reyes Buenavides (Joshua Garcia) nga ang naging anak nila.


Lumaki si Jopet na hindi kilala ang ama hanggang sa lumuwas ng Maynila dahil na rin gustong mag-aral ni Jopet at para makatulong sa pamilya, namasukan bilang kargador sa kumpanyang na pag-aari nang di nakikilalang ama.
Napakaliit nga ng mundo, dahil pinagtagpo ang mag-ama, na-curious si Victor nang malaman ang apelyido ni Jopet at inihatid ito sa bahay, kaya muli silang nagkita ni Racquel. 
Grabe ang eksena nang bumalik si Victor at inabutan sila ni Jopet na kayakap ang kanyang ina hanggang sa malaman niyang ito pala ang kanyang tunay na ama. 
Back to present time, bago namatay si Victor,  dinalaw ni Victor ang mag-ina ilang oras pagkatapos ng kanyang kaarawan, at nagkaroon pa sila ng maiksing bonding ng anak, nangako rin ito na babawi sa pagiging ama pero hindi na matutupad iyon dahil inatake ito sa puso habang nasa bahay nila.


Wala namang kaalam-alam na may kapatid sila sa labas ang magkapatid na Lorenzo (Jerome Ponce) at Calvin.
Sina Olivia at Atty. Anthony Santiago (John Estrada) lang ang nakakaalam tungkol sa mag-ina.
Nalaman ng magkakapatid nang mamatay ang ama, pinapunta ang mag-inang Racquel at Jopet para basahin ang last will and testament ng ama na ibinilin sa kapatid na abogado. 
Napakaganda ng eksena nina Mylene, Eula, Jerome, Nash, Josh, John at ang lola ng mga bata na si Liza Lorena habang magkakaharap sila sa mesa pagkatapos basahin ang huling testamento na iniwan ng namatay.
Kasama rin si McCoy de Leon bilang Obet, na kuya ni Jopet at anak ni Mylene sa ibang lalaki na muntik nang masagasan ni Albert noong maliit pa lang ito, na naging dahilan para sila'y magkakilala at magkaanak.
Nang lumabas ang autopsy, hindi lang atake sa puso ang dahilan, dahil lumabas na nalason ito sa kanyang ininom o kinain.
Kaya pagkatapos ng special screening, palaisipan kung sino ang pumatay at lahat ay puwedeng maging suspect. 
At sa mga susunod na episodes ng The Good Son, patindi nang patindi ang mga kaganapan, bukod sa mga nakakakilig na pag-iibigan ng apat na loveteam na ipi-feature sa newest primetime series ng Dreamscape Entertainment. 

(Published @ People's Balita - September 22, 2017)


No comments:

Post a Comment