Monday, May 28, 2018

Dessa, Katrina at Hazel Faith, magpi-perform... RHIAN, magsisilbing host sa idaraos na 'Nominees Night' ng 2nd EDDYS

MAGSASAMA-SAMA sa gaganaping "Nominees Night" ang mga nominado sa 14 kategorya ng 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) bago ang pinaka-aabangang gabi ng parangal.

RHIAN RAMOS

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines, Globe, OneMega Group at Wish 107.5 FM station, rarampa ang mga nominado sa idaraos na "Nominees Night" sa June 3, 5 p.m., sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.


DESSA

Dito personal na ipamamahagi ng mga opisyal na SPEEd at ng FDCP, sa pangunguna ni Chairman Liza Dino, ang certificates of nomination.

Magsisilbing host ang Kapuso actress na si Rhian Ramos. Ilan sa guest performers ay sina Dessa, Katrina "Suklay Diva" Velarde at ang singer-actress-songwriter na si Hazel Faith.


KATRINA VELARDE


Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga nominado na mainterbyu sa loob ng pamosong Wish Bus mula naman sa fastest-growing FM station na Wish 107.5. 

Samantala, ang awards night para sa 2nd EDDYS ay magaganap sa darating na Hulyo, sa pakikipagtulungan pa rin ng FDCP at ng Globe sa pamamagitan ni Senior Vice-President Yoly Crisanto.  

HAZEL FAITH


Pagkatapos ng awards night, magkakaroon ng bonggang after-party na tatawaging The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

Sa direksyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula noong 2017.

Ang Globe Studios ang major presenter habang ang Wish naman ang hahawak sa production ng 2nd EDDYS.

No comments:

Post a Comment