Thursday, April 2, 2020

MARIAN AT DINGDONG, NAGHANDOG NG 'FAMILY SPECIALTY' SA FRONTLINERS




SA isang Instagram video, ibinahagi nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes kung paano sila naghanda ng hapunan para sa frontliners ng isang ospital. 

Pahayag ni Dingdong, “Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkang— aming munting handog sa mga Frontliners natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi.” 



Pagbabahagi rin ni Marian, “Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight's meal for them is our family’s specialty— Menudo— a recipe that’s been passed on by my nanay.”



Maraming netizens ang natuwa sa thoughtful na handog ng mag-asawa. Si Marian ang mismonh nagluto, habang si Dingdong naman ang tumulong na mag-pack ng meals. Ika ng Descendants of the Sun co-star ni Dong na si Rocco Nacino, “Saludo kami sa inyo!”

Sa huli, nagpaabot ng pasasalamat si Dingdong sa lahat ng frontliners, “Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito.”

https://www.facebook.com/MarianRivera/videos/612931129565533/

No comments:

Post a Comment